Bookmark the Filipino Bookstore

Seasons Greetings!

KALAGAN: Filipino para sa Akademikong Komunikasyon

Rebecca T. Añonuevo

Teresita C. Cruz

J.I.E. Teodoro

John Enrico C. Torralba

Ang teksbuk na ito ay gabay at pag-uusisa sa naging pag-inog ng wika sa kasaysayan, samantalang nagpapaalala ng ilang panuto sa paggamit ng Filipino. Gamit naming sanggunian ang UP Diksyonaryong Filipino at ang Gabay sa Editing ng Sentro ng Wikang Filipino na isa sa mga nangungunang institusyon sa pagsisinop ng mga panuto at pamantayan sa pagbaybay ng Filipino bilang pambansang wika.


Sa akademya halimbawa ay malaganap na ang ispelling ng Filipinas (samantalang di naman tuluyang binubura ang Pilipinas bilang varyant, na nakatala sa Konstitusyon ng 1987 at karaniwang ginagamit ng madla). Ang Filipino ay tumutukoy sa parehong mamamayan at pambansang wika, kaya't naiiwasan ang kalituhan o pagdadalawang isip kung alin ang tama.


Copyright © 2011

ISBN: 978-971-569-737-8

Filipino sa Bagong Henerasyon – Ika-apat na Edisyon
Grade 7 to Grade 10

Elizabeth C. Aguilar
Teresita Arceo-Cruz


copyright © 2009
Size: 7 x 10 | Soft cover | Newsprint paper
ISBN:
Grade 7 – 978-971-569-xxx-x

Grade 8 – 978-971-569-xxx-x
Grade 9 – 978-971-569-xxx-x
Grade 10 – 978-971-569-xxx-x

Florante at Laura ni Francisco Balagtas
(Gabay sa Pag-aaral)

Nina
Elizabeth C. Aguilar
Teresita C. Cruz

Upang higit na mapahalagahan ang akda ay hinati ito sa iba’t ibang aralin. Ang bawat aralin ay nilapatan ng tiyak na pamagat at ng mga angkop na istratehiya na gagabay sa masusing pagsusuri sa akda.

Ibong Adarna: Gabay sa Pag-aaral

Nina

Elizabeth C. Aguilar

Teresita C. Cruz

Ang Basic Education Curriculum ay nagbibigay diin sa pagtuturo ng Panitikan upang malinang ang mga ankop na pagpapahalaga sa buhay ng bawat mag-aaral na Pilipino.


Sa unang Taon sa antas Sekundarya ay iminumungkahing basahin at lubusang pag-aralan ang Ibong Adarna: ang pinakapopular na koredo. Taglay ng akdang ito ang mga katangian ng isang kasiya-siyang uri ng akdang pampanitikan.


Upang higit na mapahalagahan ang akda ay hinati ito sa iba't ibang aralin. Ang bawat aralin ay nilapatan ng tiyak na pamagat at ng mga angkop na istratehiya na gagabay sa masusing pagsusuri sa akda tulad ng sumusunod:


  • Paunlarin ang Bokabularyo
  • Alamin ang mga Tayutay/Talinghaga
  • Suriin at Talakayin
  • Tuklasin ang Iba't Ibang Kahusayan
  • Ano ang Repleksiyon Mo?


Ang bawat aralin ay ginagabayan ng mga layunin na nakasentro sa mga gawaing pangmag-aaral upang makatulong sa pagtalakay sa akda.